Sinabi ni Retired police colonel Royina Garma na ang pagbabalik ng tiwala ng publiko sa Philippine National Police ang isa mga dahilan kung bakit niya isiniwalat sa Quad Committee Hearing ng Kamara ang umano’y totoong istorya sa likod ng brutal na drug war ng Duterte Administration.
Ibinunyag ni Garma, dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) general manager, sa quad committee na nagpatupad ng reward system ang administrasyon ni dating pangulong Rodrigo Duterte para sa mga pulis na magsasagawa ng pagpatay sa mga kasama sa drug list.
Ang reward system, katulad ng “Davao template,” ay mula P20,000 hanggang P1 milyon bawat hit.
Sinabi ni Garma na inabot siya ng isang linggo upang mag-sip nang bago sabihin ang katotohanan sa komite.
Nang matanong ni Rep. Dan Fernandez kung siya ay pinwersa na mag-execute ng affidavit, aniya, “Wala po, Mr. Chair, it took me one week to make some reflections.”
Nagsalita din si House Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr. hinggil sa sinabi ni Garma para sa reporma ng PNP.
Aniya, kaya ginagawa ang imbestigasyon ay para sa taumbayan na maayos ang PNP at wala ang extrajudicial killings.