-- Advertisements --

Naging maganda ang pagbabalik sa paglalaro ni Jayson Castro matapos na talunin ng TNT Tropang Giga ang Blackwater 109-93.

Ito na ang pangalawang sunod na panalo ng TNT sa nagpapatuloy na PBA Commissioners Cup na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium.

Hindi kasi nakasama si Castro ng tatlong laro ng koponan dahil sa injury kung saan siya ay nagtala ng 16 points.

Nanguna sa panalo ng TNT si Rondae Hollis-Jefferson na nagtala ng 22 points habang mayroon 19 points si Rey Nambatac at 18 points ang naitala ni Calvin Oftana.

Sinabi ni TNT coach Chot Reyes na malaking tulong para sa kanila ang walong araw na pagpapahinga para sa Christmas break.

Nalimitahan lamang sa 28 points ang naitala ni George King para sa Blackwater.