-- Advertisements --

Wala pa ring kasiguraduhan kung kelan makakabalik sa paglalaro ang franchise player ng Los Angeles Clippers na si Kawhi Leonard.

Kung maalala naging masama ang bagsak ni Leonard sa Game 4 laban sa Utah Jazz sa Western Conference semifinals noong June 14.

Matapos ito ay natukoy na dumanas siya ng partial tear sa kanyang right ACL.

Noong July 13 ay sumailalim ito sa surgery.

Dahil dito, hindi pa rin daw makakapaglaro si Kawhi sa pagbubukas ng bagong season sa Oct. 19.

Inamin naman ng dating two-time Finals MVP na pumirma siya ng long-term contract sa Clippers sa pag-asa sanang makabalik siya ngayong season.