Inabangan ng mga turista at fans ang muling pagbubukas ngayong araw ng Disneyland sa Shanghai, China.
Tatlong buwan na ring sarado ang lugar dahil sa pananalasa ng coronavirus sa China.
Una nang tinaya ng mga Disney executives na ang pag-shutdwon ng kanilang anim na mga theme parks sa iba’t ibang dako ng mundo ay magdudulot nang malaking pagkalugi na aabot sa $ billion sa kita.
Ang naturang reopening ay maari ring maging hudyat sa mangyayari rin sa Disneylands sa Tokyo, Florida, California at iba pang mga theme park business.
Sinasabing lilimitahan muna ang mga guests sa 30% capacity.
Magkakaron din ng temperature checks sa mga turista.
Habang lalagyan ang mga visitors ng yellow taped-off squares para sa pagkuha ng mga larawan upang matiyak ang physical distancing na two meters o higit pa.