Tatangkain ng Golden State Warriors na maitabla na sa tigdalawang panalo ang serye nila ng Toronto Raptors sa Game 4 ng NBA Finals bukas, araw ng Sabado.
Ito’y kasabay ng inaasahang pagbabalik ni Klay Thompson na nawala ng isang laro bunsod ng dinanas nito na strain sa kanyang kaliwang hamstring.
Ayon sa kapwa nito Splash Brother na si Stephen Curry, magiging malaking tulong si Thompson sa depensa sa kanilang gagawing adjustment para pantayin ang serye bago ito dalhing muli sa Toronto.
“People fall in love with his shooting and how hot he can get on the offensive end, but the way that our team plays defensively and the chemistry that we have and the experience, he’s right at the forefront of that,” wika ni Curry.
“And it’s a tough adjustment when guys who haven’t been in that position consistently and in these type of moments are thrown into his minutes. So you would love to have him out there on that end of the floor as well, especially with a team like Toronto.”
Para rin kay Curry, positibo pa rin ang kanyang pananaw na masungkit nila ang grandslam kahit wala si Kevin Durant sa game 4.
Aminado naman si veteran guard Shaun Livingston, kailangang doble kayod ang kanilang paghahanda kung hindi na babalik ngayong Finals series si Durant.
Naniniwala rin si Warriors forward Draymond Green, malaking bagay sa kanilang kampanya kung makakabalik sa mga susunod na games si Durant.
Bilang isang competitor, tiyak aniyang makakabawi rin sa kanyang matinding performance ang two-time NBA finals MVP kahit mahigit isang buwan na itong hindi naglalaro dahil sa injury.
Sa panig naman ng Raptors, hindi raw sila magpapasindak kahit may karagdagan nang tulong ang Golden State sa susunod na laro.