Ipinanukala ni Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile na maibalik ang 1935 Constitution at maghalal ng 48 mga senador.
Sa pagdinig ng Senate Constitutional Amendments and Revision of Codes Committee sa panukalang batas na naglalayong repasuhin ang 1987 Constituion, sinabi ni Enrile na sa kasalukuyang Saligang Batas, komplikado ang mga nakapaloob na probisyon na ginawa mula 1935 at 1973 Constitutions.
Paliwanag pa ng dating Senate president ang 1935 Constitution ay mas maikli, simple at madali lamang maunawaan.
Isinusulong din ni Enrile na doblehin ang bilang ng mga senator sa bansa mula sa kasalukuyang 24 senators, at nais nitong gawing 48 dahil umano sa lumalaking populasyon ng bansa.
Kung saan sa bawat dalawang taon ay maghahalal ng bagong uupo na 16 na senador.
Aniya, sa ilalim ng 1935 Constitution, nasa 24 na senators ang ihahalal subalit sa 1987 Constitution nakasaad na kalahati ng Senate ay mahahalal sa bawat anim na taon.
Pabor din si Enrile na maibalik ang katagang “imminent danger” sa martial law provision ng Konstitusyon dahil ito ay magbibigay-daan sa gobyerno na matugunan ang anumang nakaambang digmaan, paghihimagsik o pag-aalsa.
Home Nation
Pagbabalik sa 1935 Constitution at paghalal sa 48 senators, ipinanukala ni Enrile
-- Advertisements --