-- Advertisements --
Wala pa ring kasiguraduhan kung kelan makakabalik sa games si NBA superstar James Harden dahil sa injury.
Tinawag ng Brooklyn Nets na malaking setback ang ginagawang rehabilitasyon sa hamstring injury ni Harden matapos na matukoy na hindi pa kaya ng kanyang katawan ang labis na sakit.
Ayon kay Nets head coach Steve Nash, sumailalim din sa MRI examination si Harden at doon nalaman ang “setback” sa kanyang natamong injury.
Umaabot na rin sa anim na games ng Brooklyn ang bigong makalaro si Harden.
Ang isa pa nilang main man na si Kevin Durant ay nagpapagaling din sa injury.