-- Advertisements --
Posibleng maibalik na sa Hunyo sa taong 2025-2026 school year ang school calendar ayon sa Department of Education.
Suportado kasi ito ng House Committee on Basic Education and Culture ang panawagang ibalik sa Hunyo sa kasalukuyang Agosto ang balik eskuwela.
Ayon kay Department of Education Director Leila Areola, posible imano ito pero hindi pwede agad-agad ibalik sa Hunyo ang pagbubukas ng klase dahil iikli naman ang araw ng mga bakasyon at apektado rito ang mga guro.
Samantala, iminungkahi naman ng Teachers Coalition para hindi malaking idagdag sa service credit ay bawasan nalang ang araw ng klase basta hindi baba sa itinakdang minimum sa 180 days.