-- Advertisements --

Wala pa ring kasiguraduhan hanggang sa ngayon ang Los Angeles Clippers kung kelan makakabalik sa paglalaro ang kanilang superstar na si Kawhi Leonard.

Ayon kay Lawrence Frank, ang team’s president of basketball operations, gumaganda umano ang itinatakbo ng rehabilitasyon sa ACL injury ni ni Kawhi pero wala pang nakakaalam ang eksakto nitong pagbabalik sa laro.

Una nang sumailalim sa surgery si Kawhi dahil sa partial tear sa kanyang right ACL noong pang July 13.

Inaasahang matatagalan pa raw ang kanyang pagpapagaling.

Sa sunod na linggo ay simula na ng training camp ng mga NBA teams bilang paghahanda sa bagong season sa susunod na buwan.