-- Advertisements --

Inihayag ng Department of Justice (DOJ) na magbibigay daan ang pagbabalik sa bansa ng Pinay worker na nahatulan ng kamatayan na si Mary Jane Veloso sa paghahain ng mga kaso laban sa kaniyang illegal recruiters.

Dagdag pa ng ahesiya na magpapatuloy pa ring isisilbi ni Veloso ang kaniyang sentensiya sa Pilipinas sa ilalim ng transfer agreement.

Pinasalamatan naman ni Justice Secretary Crispin Remulla ang Indonesian government sa pagpayag nito na mailipat si Veloso sa bansa nang walang ipinataw na kondisyon.

Matatandaan na inaresto si Veloso sa Yogyakarta International airport matapos madiskubre ang mahigit 2.6 kilo ng heroin sa kaniyang bagahe. Kalaunan, hinatulan siya ng kamatayan, ngunit nagkaroon ng indefinite suspension noong 2015 matapos hilingin ng mga opisyal ng Pilipinas noon kay Indonesian President Joko Widodo na payagan siyang tumestigo laban sa mga miyembro ng sindikato ng human at drug-smuggling sa Maynila.

Samantala, nauna naman ng sinabi ng abogado ni Veloso na si Atty. Edre OIalia na nakatakdang dinggin ang mga kasong qualified human trafficking, estafa at illegal recruitment cases na inihain laban sa mga recruiter ni Veloso sa Pebrero 19, ng susunod na taon.