-- Advertisements --
Pinawi ng mga eksperto ang pangamba ng publiko hinggil sa pagpasok muli sa Philippine area of responsibility (PAR) ng typhoon Julian.
Ito ay makaraang tumawid muli sa ating teritoryo ang naturang sama ng panahon nitong Huwebes ng umaga.
Ayon sa Department of Science and Technology (DOST), malayo na ito sa landmass ng ating bansa.
Patuloy na tinutumbok nito ang southwestern side ng Taiwan, kung saan ito inaasahang tatama.
Inaasahang patuloy pang hihina ang bagyo dahil sa interaction nito sa kalupaan ng Taiwan at sa presensya ng northeasterly windflow na sinasalubong nito.