-- Advertisements --
Garcia Danny
Danny Garcia/ IG post

Tuloy pa rin ang pagbabalik sa boxing ring ni dating two-division champion Danny Garcia sa darating na Enero 25, 2020.

Ito ay matapos na kinansela ang laban niya kay WBC/IBF welterweight champion Errol Spence.

Naaksidente kasi si Spence noong Oktubre habang lulan ng kaniyang Ferrari.

Ayon sa ama at trainer ni Garcia na si Angel itutuloy pa rin nila ang laban sa nasabing petsa pero tumanggi ito kung sino ang makakalaban ng anak.

Huling lumaban si Garcia noong Abril kung saan tinalo niya si Adrian Granados sa loob ng pitong round.