-- Advertisements --

Matatagalan pa bago matunghayan ng mga fans ni Kris Aquino ang pagbabalik nito sa telebisyon.

Hindi naman na binanggit pa ng tv host/ actress ang dahilan ng pagkaantala ng bago sana nitong show sa telebisyon.

Paliwanag pa nito sa pamamagitan ng kaniyang social media na mayroon silang pinirmahan na kontrata kaya hindi na niya ito pinaliwanag pa.

Nakatakda kasi sanang lumabas ang bagong talk show nito sa TV5 na “Love Life With Kris” sa Hulyo 25.