CENTRAL MINDANAO-Sa patuloy na adhikaing hindi makapasok ang African Swine Fever sa Kabacan Cotabato, patuloy na nagbibigay ng karampatang kaalaman ang Municipal Agriculture Office sa mga barangay sa bayan.
Abot sa 30 mga magbababoy ang nabigyan ng kaalaman ng tanggapan tungkol sa sintomas at paano maiiwasan ang nasabing sakit ng baboy.
Kaugnay nito, mayroon ng 40 mga magbababoy ang nailapit ng tanggapan mula sa Brgy. Katidtuan sa Philippine Crop Insurance Corporation.
Ayon kay Kabacan Mayor Herlo P. Guzman, Jr., laging bukas ang tanggapan ng Agriculture Office upang magbigay ng tulong para sa mga programa at proyekto ng kagawaran sa mga magsasaka at mangingisda ng bayan.
Hinikayat din nito ang iba pang magbababoy na tumungo sa tanggapan ng Agriculture upanh malaman ang mga programa.