Palalakasin pa lalo ng Department of Agriculture (DA) at Bureau of Customs (BOC) ang kanilang pagbabanta sa mga piers at ports laban sa smuggling ng agricultural products, partikular na ng mga carrots.
Sinabi ni Agriculture Assistant Secretary Noel Reyes na kasunod ng pagdinig sa Senado kahapon, lumabas na aabot sa P2.5 million kada araw mula noong Enero 2022 ang ikinalulugi ng mga magsasaka sa La Trinidad, Benguet bunsod ng agricultural smuggling.
Iginiit ni Reyes na hindi pa nagbibigay sa ngayon ang DA ng import permits para sa mga carrots kaya ang ang mga imported na ibinibente sa mga pamilihan ay hindi malayong ipinuslit talaga.
Sa pagdinig ng Senado kahapon, sinabi ni League of Association at the LA Trinidad Vegetable Trading Areas public relations officer Agot Balanoy na dumoble ang volume ng smuggled carrots mula 20 percent noong 2021 patungong 40 percent sa kabila ng claims na kinukompiska na ng mga ahensya ng pamahalaan ang mga ito.