-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Hinigpitan pa ang pagbabantay sa mga lagusan at papasok sa bayan ng Libungan Cotabato sa umiiral na Enhanced Community Qurantine.

Mismong si Libungan Mayor Christopher “Amping”Cuan ang naglilibot sa lahat ng sulok ng bayan para masiguro lamang ang kapakanan ng taumbayan.

Sa inilabas na Executive Order ni Mayor Cuan, Bawal ng pumasok sa bayan ang mga hindi residente doon, maliban lamang sa mga frontliners.

Lahat ng wet market o Talipapa kabilang na ang Barangay Baguer ay kalahating araw na lamang ang operasyon simula alas 12:00 ng tanghali hanggang alas 5:00 ng hapon.

Maglalagay din ng designated meat stall, vegetables stall, at fish stall ang LGU Libungan.

Lahat naman ng business establishments sa bayan ay kinakailangan magsara maliban lamang sa mga nasa essential sectors gaya ng grocery stores, clinic, drugstores, pharmacies, ospital at mga kahalintulad na establishmento.

Bawal namang mamasada ang lahat ng multicab, at town ace, maliban lamang sa mga sumusunod; mga private na sasakyan na may tatlong sakay, pinapayagan naman ang payong -payong na bumyahe ngunit isang pasahero lamang ang pweding isakay, at mga may-ari ng motorsiklo at bisekleta.