-- Advertisements --

Aasahan na palalakasin pa ng Philippine National Police (PNP) lalo na sa Mindanao ang pagbabantay sa mga government at vital installation na posibleng targetin ng rebeldeng grupo na bahagi ng kanilang divertionary tactics.

Ayon kay PNP Spokesperson C/Supt. Dionardo Carlos, direktiba ni PNP chief police director Gen. Ronald Dela Rosa na bantayan at palakasin ang kanilang security defense posture upang hindi maabala ang normal activities ng mga sibilyan sa Mindanao.

Aminado si Carlos na tini-take advantage ng rebeldeng grupo ang sitwasyon ngayon kung saan nakatutok ang puwersa ng pamahalaan sa Marawi.

Sinabi ni Carlos na sa ngayon nagsagawa na ng mga checkpoint at pinaigting ang kanilang intelligence monitoring para maiwasan ang anumang planong pangugulo.

Sa kabilang dako, naka-standby pa rin ang mga puwersa ng regional public safety battalion ng pambansang pulisya mula sa iba’t ibang rehiyon.