-- Advertisements --

TUGUEGARAO CITY – Itinuturing ng kauna-unahang babaeng nagtapos bilang Airport Police Officer valedictorian mula Cagayan ang mahigpit na pagbabantay sa paliparan kaugnay sa novel coronavirus.

Nanguna si Sheina Marie Domingo ng Barangay Kittag, Sanchez Mira sa Airport Police Department Batch 17 “Alab Makandili” Class of 2019, sa kanilang tatlong buwan basic course training.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Domingo na pormal nang mag-uumpisa ang kanilang trabaho sa paliparan sa darating na Pebrero 3 sa pamunuan ng Manila International Airport Authority.

Sa kanyang graduation speech, naging emosyonal si Domingo dahil sa kabila ng paghihiwalay ng kanyang mga magulang ay nagagawa ng mga ito ang kanilang obligasyon para sa kanya.

Kasabay nito, tiniyak ni Domingo na kanyang gagampanan ang tungkulin bilang frontline personnel o law enforcer sa loob ng airport para sa seguridad ng mga pasahero.