-- Advertisements --

Inaprubahan na ng Indonesian parliament ang batas na pagbabawal ang pakikipagtalik kapag hindi nito asawa o kasal.

Matapos na ma-endorso ng lahat ng mga siyam na partido ay mabilis na pinalo ni deputy house speaker Sufmi Dasco Ahmad ang gavel bilang senyales na ito ay aprubado na at legal na.

Ilang dekada kasi nagkaroon ng debate sa pagbabago ng criminal code ng Indonesia.

Kinondina naman ng ilang grupo ang nasabing amiyenda dahil sa baka magiging malawakan ang pag-aresto at pagyapak sa karapatan ng mga sibilyan.

Paliwanag naman ni Minister of Law and Human Rights Yasonna Laoly na kanilang pinag-aralang mabuti ang batas bago ito ipasa at ikinonsidera ang mga iba’t-ibang opinyon.

Hindi naman sakop ng nasabing batas ang mga dayuhan na pumapasyal sa kilalang isla na Bali.