-- Advertisements --
Dumistansya ang Commission on Elections (Comelec) sa napaulat na umano’y kautusan na nagbabawal sa mga miyembro ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) na umupo bilang Board of Election Inspectors (BEI) sa darating na May elections.
Ginawa ito ng Comelec matapos sabihin ng ACT na nagmula ang naturang kautusan sa ilang local offices ng Department of Education (DepEd).
Sa isang panayam, sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na walang basehan para i-discriminate ng poll body ang mga miyembro ng ACT.
Kung sinabi man daw ng local offices ng DepEd ang naturang kautusan, ito ay sarili raw nilang desisyon at labas na rito ang Comelec.