Epektibo sa Mayo 27 pagmumultahin na ang mga drivers ng electric bikes, electric tricycles at iba pang light vehicles na mahuhuling dumadaan sa pangunahing kakalsadahan sa Metro Manila.
Ito ang inanunsiyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) matapos na palawigin pa ng isang linggo ang grace period para sa striktong pagpapatupad ng bagong polisiya.
Kasunod ito ng hiling ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa MMDA na i-waive ang penalties para sa mga violator hanggang Mayo 18 at pagsabihan ang mga gumagamit ng naturang light vehicles na huwag dumaan sa major thoroughfares sa Metro Manila.
Ayon naman kay MMDA acting chairmanm Don Artes, ang isang linggo extension ay magbibigay ng pagkakataon sa mga may-ari at drivers ng electric vehicles na mag-comply sa pagpaparehistro ng kanilang mga sasakyan o kumuha ng lisensiya sa pagmamaneho.
Ang mga mahuhuli kasing walang lisensiya o walang vehicle registration papers ay maiimpound ang kanilang sasakyan simula sa Lunes at papatawan ng multang P2,500.