Mapapahaba pa ang paghihintay ng mga byahero na nagnanais bumisita sa Thailan matapos inaunsyo ng bansa ang pagpapalawig pa sa pag-ban ng international flights.
Ayon sa press release ng Civil Aviation Authority, tatagal pa hanggang katapusan ng Hunyo ang pagbabawal sa mga international fligths na makapasok sa naturang bansa dahil sa patuloy na pagdami ng kaso ng coronavirus dito.
Hindi naman kasali sa nasabing ban ang mga state or military aircraft, emergency landings, tenchnical landings, humanitarian aid, medical at relief flights, repatriation flights at cargo flights.
Nakapagtala kasi ng tatlong panibagong kaso ng virus sa Thailand dahilan upang umakyat sa 3,028 ang kabuuang bilang ng coronavirus case sa bansa.
2,856 katao naman ang gumaling habang 56 ang namatay, 116 katao naman ang ginagamot pa sa ospital.