-- Advertisements --
Mayroon umanong negatibong epekto sa negosyo ang pagbabawal sa mga bata na bumisita sa mga mall.
Sinabi ni Jose Yulo Jr ang pangulo ng Chamber of Commerce of the Philippines Islands (CCPI), apektado ang consumer spending dahil dito.
Aniya makakatulong sana sa ekonomiya ng bansa kung pinapayagan na ring makabisita sa mga malls ang mga bata.
Nahihikayat kasi ng mga bata ang kanilang mga magulang para bumili ng kanilang mga kagustuhan.
Magugunitang iminungkahi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga alkalde ng Metro Manila na magpasa ng ordinansa sa pagbabawal sa mga bata na magtungo sa mga mall matapos ang pagpositibo sa COVID-19 ng isang bata na ipinasyal din sa isang mall.