-- Advertisements --

Inulan ng kritisismo ang pagpapatupad ngayong araw ng administrasyon ni US President Donald Trump ng tuluyang pagbabawal na makapasok ang mga cruise ships sa bansang Cuba.

Ang bagong patakaran na ito ay parte umano ng pagsisikap ng Trump administration na balewalain ang ginawa noon ni Obama na panatilihin ang maayos na samahan ng United States at Cuba.

Hindi rin ikinatuwa ng ilang myembro ng Cuban American community at mga opisyal sa Kongreso ang ginawang ito ni Trump.

Kabilang ang mga bansang Nicaragua at Venezuela, dineklara ni US national security adviser John Bolton ang Cuba bilang “troika of tranny” o “triangle of terror” at “three stooges of socialism.”

Ayon kay Bolton layunin umano nila na ipalkita sa mga bansa na itanggi na mayroong malaking naitulong Cuba sa source of revenue ng Estados Unidos.

Nagsimula ang ganitong uri ng turismo sa Cuba noong May 2016 na pinangunahan ni former US President Barack Obama. Umaabot ng halos 200 libong turista ang nagpupunta rito kada buwan. Ito ay mas mataas ng 300% noong nakaraang taon.