-- Advertisements --

Pirma na lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte para tuluyan ng maging batas ang pagbabawal sa pagkakasal ng mga bata.

Ito ay matapos na ratipikahin ng Senate at House of Representatives sa pamamagitan ng bicameral conference ang disagreeing provision ng dalawang kongreso.

Nakasaad sa panukalang batas na ang child marriage ay maikokonsidera bilang “public crime”.

Kapag tuluyan na itong naging batas ay sinuman na mag-aayos ng pagpapakasal sa mga bata ay mapapatawan ng pagkakulong at multa na hindi bababa sa P40,000.

Kapag ang suspek ay guardian o step parent ng bata ay parusang pagkakakulong ng 12-taon at multa na hindi bababa sa P50,000.

Habang ang sinuman na mangangasiwa ng kasal sa mga menor de edad ay makukulong at pagmumultahin ng P40,000 ganon din ang pagbabawal sa kanila na humawak ng anumang posisyon sa gobyerno.