-- Advertisements --

Pasado na sa 3rd at final reading ang panukalang batas na pagbabawal sa “No Permit, No Exam” Policy sa mga pribadong elementary at high school.

Batay sa House Bill 7584 na dapat pahintulutan ang mga mag-aaral na makakuha ng pagsusulit kahit na hindi ito nakapagbayad ng matrikula.

Nakakuha ang panukalang batas ng 259 na boto para ito ay tuluyang maipasa.

Nakasaad din sa panukalang batas na dapat ay magsumite ng promissory note ang magulang o guardian ng isang estudyante at hindi na ito tatagal ng hanggang susunod na school year para makapag-exam ang isang estudyante.

May nakalaang parusa rin sa mga magulang na mamemeke ng kanilang dokumento para makakuha ng nasabing benepisyo kung saan mahaharap ang mga ito ng adminstrative o disiplinary action.