Pinarerepaso ngayon ni MRT-3 General Manager Michael Capati ang patakaran na nagbabawal sa pagdadala ng hand-carried luggage sa loob ng tren.
Dahil dito ay agad na ipinag-utos ni Capati ang pansamantalang suspensyon ng naturang sistema.
Una nang ipinagbabawal ang pagdadala ng malalaking bagahe na lalagpas sa 2-feet X 2-feet ang laki at haba.
Giit ng pamunuan ng MRT na maaaring maukupa nito ang espasyo sa loob ng tren na maaari pang upuan o pwestuhan ng mga pasahero.
Maging si Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon ay kinuwestyon na rin ang lumang patakaran na ito.
Tiniyak naman ni MRT-3 General Manager Michael Capati na kanilang susuriing mabuti ang polisiyang ito para sa mga mananakay.
Lagi aniya dapat na isaalang-alang ang mga opinyon ng mananakay sa pagbuo ng mga patakaran sa tren.