-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Pag-aaralan ngayon ng Civil Service Commission (CSC) ang rekomendasyon sa pagsasagawa ng polisiya na nagbabawal sa paggamit ng cellphones ng mga government employees na nasa frontline services.

Maaalalang ilan sa pinuna ni CSC Commissioner Atty. Aileen Lizada sa naging pag-inspeksyon nito sa ilang government offices ang umano’y mas mahabang oras na ginugugol ng ilang empleyado sa kanilang gadget kaysa sa pakikipag-usap sa mga pinagsisilbihan nito.

Ayon kay CSC Public Assistance and Information Office Director IV Maria Luisa Salonga-Agamata sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, kinakailangan muna itong isulong sa komisyon o maisabatas bilang collegial body.

Kabilang sa magiging pagtalakay ang mga nakitang ebidensya hanggang sa magiging guidelines na kakabit nito.

Titingnan din sa naturang aspeto ang posibilidad na kakaharaping sanction ng lumabag sa naturang polisiya sakaling makalusot ang rekomendasyon.