Pinayuhan ng Department of Health (DOH) ang mga simbahan maging ang publiko na kung maaari ay ipagbawal muna ang paghalik sa mga religious statues at pagpapapako sa krus para maiwasan ang hawaan ng sakit.
Ito ay may kinalaman sa nalalapit na paggunita ng Holy Week mula Abril 10 hanggang Abril 16 ngayong taon.
Paalala ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang COVID-19 ay maaaring maihawa sa pamamagitan ng droplets kung kaya’t inirerekomenda aniya ng simbahan ang pagbabawal sa tradisyunal na mga aktibidad ng simbahan tuwing semana santa.
Aniya, may alternatibong pamamaraan upang maipakita ang debosyon para sa mga santo sa mga pinupuntahang mga simbahan.
Gayundin hindi inirerekomenda ng DOH ang pagpapapako sa krus dahil batid anila ang panganib nito gaya ng tetanus na maaaring makuha dito at maaari din aniyang magdulot ito ng pagkawala ng dugo.