-- Advertisements --

Aprubado na sa ikalawang pagbasa ng House of Representatives ang panukalang batas na pagbabawal sa Philippine offshore gaming operators (POGO).

Isinagawa ang pagboto sa House Bill 10987 sa pamamagitan ng viva voce o voice voting.

Kapag naipatupad ay kasamang ipagbabawal ang ilang aktibidad gaya ng pagtanggap ng taya mula sa offshore gaming operations, pagsasagawa ng offshore gaming sa anumang device, pag-operate bilang service provider ng anumang katulad ng offshore gaming operations.

Kasama rin ang pagsasagawa o pag-mintina ng anumang operation hub o structural complex kung saan matatagpuan ang operations, logistical, administrative at support services ng offshore gaming.

Pagtatayo ng anumang gaming laboratory o pagbibigay ng serbisyo bilang gaming laboratory, pagproseso ng anumang offshore gaming paraphernalia at pagtulong, pagprotekta ng mga nabanggit na pinagbabawal na gawain.

Magugunitang ipinagbawal na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa kaniyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) ang tuluyang pagpapasara ng POGO.