-- Advertisements --
Pinalawig pa ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang deadline sa paghahain ng tax returns at pagbabayad ng mga buwis sa mga lugar na nasa modified enhanced community quarantine.
Ayon sa BIR na pinalawig ng hanggang 15 araw o kapag matapos na ang pagppaatupad ng MECQ sa Metro Manila.
Sinabi naman ni BIR Commissioner Ceasar Dulay na sa pagpapalawig ng mga petsa ay hindi na mag-aalala ang mga naapektuhang tax payers kung paano nila mababayaran ang kanilang buwis.
Sakaling palawigin muli ang nasabing quaranitne classification sa NCR ay kanila pa rin ito papalawigin ang pagbabayad ng buwis.