-- Advertisements --

Hindi lang umano dapat huminto ang imbestigasyon sa ghost dialysis issue dahil mas malawak pang katiwalian ang matutuklasan.

Ito ang sinabi sa Bombo Radyo ng dating tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Atty. Harry Roque, matapos umano nilang matuklasan na aabot na sa P154 billion ang nawala sa PhilHealth dahil lamang sa mga pekeng sakit, pekeng may sakit at pekeng gamutan.

Ayon kay Roque, ang nasabing halaga ay inaagaw ng mga tiwali mula sa mga tunay na may karamdaman na umaasa lang sa tulong ng gobyerno.

Maliban aniya sa ghost dialysis, kung saan pati patay ay ginagamit para lamang makulimbat ang pondo ng gobyerno.

Ang simpleng sipon naman ay naka-charge bilang pneumonia case para lumobo ang laang budget na makukuha.

Hindi rin umano totoo ang “stop payment” na sinasabi ng mga opisyal ng PhilHealth sa mga kontrobersyal na dialysis center, dahil base sa hawak nilang dokumento ay nakakolekta pa ang WellMed ng P4 million sa nakalipas na mga buwan.