-- Advertisements --

Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang dahilan sa likod ng pagbagsak ng Cessna 208B Grand Caravan na bumagsak noong Huwebes, Pebrero 6 sa Alaska.

Dumating nitong Sabado ang siyam na imbestigador ng National Transportation Safety Board (NTSB) para umpisahan na ang imbestigasyon sa plane crash site ng naturang eroplano.

Ayon kay NTSB Chair Jennifer Homendy, ang aircraft ay may lulan na siyam na pasahero nang biglang nawalan ng radar contact ang piloto nito bandang 3:30pm lokal na oras sa Nome, Alaska habang tinatahak nito ang patungong Unalakleet, Alaska.

Namataan naman ng US Coast Guard ang mga debris ng nagcrash na aircraft nitong Biyernes sa isang ice floe sa layong 34 miles mula sa dagat.

Ayon kay Homendy, patuloy ang kanilang ikinakasang recovery efforts lalo na sa mga labi ng siyam na pasahero at ng piloto ng aircraft sa naturang plane crash.

Samantala, pagtitiyak din ni Homendy sa pamilya ng mga nasawi at sa publiko, gagawin ng kanilang team ang kanilang makakaya para malaman ang sanhi sa likod ng pagbagsak ng Cessna 208B.