-- Advertisements --
Lindol 2
Lindol

KORONADAL CITY- Apektado ngayon ang rubber, banana at corn industry ng Tulunan, North Cotabato matapos ang sunod-sunod na lindol na tumama sa Mindanao.

Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal sa Brgy. chairman ng Brgy. Bituan, Tulunan, North Cotabato na si kapitan Levina Pajanilag, pinakaapektado ang kanilang barangay kung ekonomiya ang pag-uusapan dahil daan-daang ektarya ng taniman ng rubber, mais at saging ang natabunan sa nangyaring landslide.

Dahil dito nasa mahigit 1,000 indibidwal ang nakakaranas ngayon ng matinding hirap matapos ang lindol kung saan karamihan sa local farmers sa kanilang lugar ang nanghihinayang sa milyun-milyong pagkalugi sa kanilang mga pananim lalo na at malapit na sana ang harvest season.

Natatakot din ang mga ito na bumalik sa kanilang taniman lalo na at nagbabanta pa rin ang pagguho ng lupa dahil ramdam pa rin ang mga pagyanig.