Nagkaroon ng human error ang itinuturong dahilan ng pagbagsak ng pampasaherong eroplano sa Pakistan na ikinasawi ng 97 katao noong nakaraang buwan.
Sinabi ni Aviation Minister Ghulam Sarwar Khan, na hindi nasunod ang tamang protocol.
Ipinatawag sa imbestigasyon ng parliyamento ng Pakistan si Khan para malaman ang naging sanhi ng nasabing pagbagsak ng eroplano.
Dagdag pa nito na maaaring ang piloto ay nagkaroon ng distraction nakikipag-usap tungkol sa coronavirus.
Wala aniyang problema sa Airbus A320 na pinapatakbo ng Pakistan International Airlines (PIA).
Ilalabas aniya nito ang buong imbestigasyon sa insidente sa susunod na taon.
Magugunitang bumagsak ang pampasaherong eroplano sa mga kabahayan sa Karachi noong Mayo 22 kung saan nakaligtas ang 2 pasahero.