-- Advertisements --

NAGA CITY – Ikinabahala ngayon ng mga otoridad maging ang local na gobyerno ng Lucena ang pagkakaroon ng sunod-sunod na biktima ng lambanog sa nasabing lugar.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PMaj. Marcelito Platino, deputy chief of police ng Lucena PNP sinabi niton na patuloy ang ginagawang pag-ikot ng mga otiridad sa mga tindahan ng lambanog sa lugar.

Amido si Platino, na nababahala sila sa magiging epekto nito sa indutriya ng lambanog.

Ayon pa rito, kahit pa nga nakakalungkot ang mga nangyayari sa mga mamamayan sa lugar dahil sa minsang nagiging pasaway ang mga ito, dahil sa kahit pa umano’y alam ng mga ito na ipinagbabawal ang nasabing klase ng inumin madami pa rin ang gumagamit dahil sa pinaniniwalaan itong nakakatanggal ng lamig sa katawan.

Habang magkakaroon umano sila ng coordination sa mga katabing lalawigan na mayroong nagtitinda ng nasabing klase ng inumin upang maiwasan makabili ang ibang mamamayan at maiwasan ang nasabing muling pangyayari.

Sa ngayon patuloy ang paglilibot ng PNP para matiyak na naitapon na ng mga nagtitinda ang naturang mga produkto.

Kung maalala pumalo na sa mahigit 20 ang binawian ng buhay dahil sa lambanog issue kasama na ang mga namatay sa Rizal, Laguna.