CAGAYAN DE ORO CITY – Isiniwalat ng Armed Forces of the Philippines na umano’y bagsak na ang itinuring na horizontal unit o pinagmulan ng tinawag na ‘carde’ ng CPP-NPA dahilan na palubog ng tuluyan ang kilusang armado na nasa likod pag-alsa kontra pamahalaan.
Kaugnay pa rin ito sa ipinalutang ng Philippine National Police Directorate for Operations na nakahatak ng halos 170 na mga mag-aaral mula sa ilang government universities at state colleges ang natitirang cadre ng CPP simula taong 2014 hanggang kasalukuyan.
Sinabi ni 4ID commander Major General Jose Maria Cuerpo II na dahil sa kawalan ng umano’y effective recruitters ng kalaban ay bumaba rin ang bilang ng mga kasapi ng vertical units o rebel combatants.
Inihayag ng heneral na bunsod nito ay nahirapan na ang natitirang CPP-NPA na himukin ang mga estudyante na kumbinsihin mula sa kaloob-looban ng mga gobyernong pamantansan.
Magugunitang ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na kung maari ay tuluyang wakasan na ang kilusang armado mismo sa loob ng taong ito.