-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Tumaas pa ang lebel ng tubig sa mga kailugan sa probinsya ng Cotabato at Maguindanao.

Dulot ito ng malakas na buhos ng ulan na sinabayan pa nang hagupit ng hangin.

Ilang mga mababang bayan sa North Cotabato at Maguindanao ang binaha.

Rumaragasa rin ang baha mula Agusan river at Bukidnon patungong North Cotabato at Maguindanao.

Ang probinsya ng Cotabato at Maguindanao ay cut basin ng pagbaha mula sa Bukidnon at ibang lalawigan.

Maliban sa baha ay nakaranas rin ng pagguho ng lupa (landslide) ang probinsya ng Cotabato.

Sa ngayon ay pinag-iingat ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council ang mga nakatira sa gilid ng ilog at bundok sa pagragasa ng baha at landslide.