-- Advertisements --
LEGAZPI CITY – Pinapaimbestigahan na ni Legazpi Mayor Noel Rosal ang posibleng nagdulot ng mga pagbaha sa ilang lugar sa lungsod dahil sa mga pag-ulan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi sa alkalde, nakarating sa kaniya ang naitalang mga pagbaha sa lugar tulad na lamang ng sa Brgy. Lapu-Lapu na pinaniniwalaang dahil sa baradong drainage sa gilid ng plaza.
Pinatitingnan din kung isinarado ang pumping station.
Sa bahagi naman ng Brgy. Maoyod, madali na aniyang masosolusyunan ang problema kung saan aayusin ang drainage habang may ginawa nang malaking river channel.
Pag-uusapan naman ang iba pang plano ayon kay Rosal sa pamamagitan ng barangay officials at City Engineering Office.