Possible pang lumala ang mga bahang nararanasan sa ilang bahagi ng Metro Manila at mga karatig lalawigan dahil sa bagyong Ulysses.
Ayon kay Civil Defense Deputy Administrator for Operations Assistant Secretary Casiano Monilla,ito’y dahil sa pagpapakawala ng tubig ng mga dam na umaapaw dahil sa ulan na dala ng bagyo.
Sinabi ni Monilla, yun aniyang mga nasa lugar sa dinadaluyan ng tu big na pinakakawala sa dam ay dapat nang mag-evacuate.
Nagpakawala na kasi ng tubig ang La Mesa Dam, Angat, Ipo at Wawa Dam.
Posible kasi aniyang mag tuloy-tuloy pa ang pag-ulan hanggang mamayang hapon o hanggang gabi.
Humingi na aniya ang OCD ng tulong sa AFP para magpadala ng karagdagang pwersa mula sa mga ibang rehiyon patungo sa mga lugar na dinaan ng Ulysses upang tumulong sa evacuation, relief and rescue operations.
Sa ngayon aniya ay wala pa silang eksaktong datos ng bilang ng mga biktima o halaga ng kapinsalaan ng bagyo, pero umaasa sila na ngayon hapon ay may makukuha na silang mga ulat mula sa field.