-- Advertisements --

Nagbigay ng direktiba si PNP Chief Oscar Albayalde sa lahat ng Regional Police Directors sa buong bansa na tanggalin ang lahat ng mga campaign posters sa mga gusali ng gobyerno.

Ito’y alinsunod sa direktiba ng Pangulong Rodrigo Duterte na ipinarating kay Interior Sec. Eduardo Año.

Ang pagbabawal sa lahat ng billboards, tarpaulins, posters, steamers, banners, at mga kahalintulad na campaign paraphernalia sa mga gusali ng gobyerno ay batay sa Commission on Elections (Comelec) Resolution No. 10488.

Ayon kay Albayalde, tungkulin ng PNP na panatilihin ang “level playing field” sa darating na halalan, bilang isang “deputized agency” ng Comelec.

Tiniyak naman ni Albayalde, mananatiling apolitical sa darating na halalan ang PNP.

Todo paalala din si Albayalde sa mga pulis na huwag makilahok sa anumang partisan political acitivity dahil kung hindi ay mananagot sila sa batas.