CENTRAL MINDANAO-Abot sa 93 na mga kawani at empleyado ng Mindanao Doctors Hospital and Cancer Center Inc., ang nabakunahan ng bakunang coronavac mula sa sinovac sa bayan ng Kabacan Cotabato.
Pinakaunang tumanggap ng bakuna si Lyndon Ray Gragasin, RN, MAN, Chief Nurse ng nasabing Ospital at sumunod naman ang pinaka unang doktor na nabakunahan ay si Dr. Marseilles Renee Tan.
Ayon kay Dr. Ervin Castillo Medical Director ng ospital, malaki ang nakapatong na trabaho ngayon sa kanila bilang pinaka-unang ospital na tumanggap ng bakuna. Kailangan umano nilang ipakita na naging maayos ang pagtanggap ng kanilang pangangatawan sa bakuna.
Sinaksihan at binati naman ni Kabacan Mayor Herlo P. Guzman, ang Mindanao Doctors Hospital.
Aniya, sa buong Kabacan tanging ang nasabing ospital lamang ang napili batay sa rekwesito ng DOH.
Nagpasalamat din ito sa ga medical frontliners at mga utilities ng ospital na patuloy na nag-aalay ng kanilang buhay sa usapin ng kalusugan.
Dumalo din sa pambihirang aktibidad si ABC President Evangeline Pascua-Guzman, mga Sangguniang Bayan Members,Board member Jonathan Tabara,BM Ivy Dalumpines-Ballitoc at si Vice Governor Emmylou Taliño-Mendoza.