-- Advertisements --

Posibleng maisama na sa COVID-19 vaccination program sa Pilipinas ang mga menor de edad na 12 hanggang 17-anyos bago matapos ang taon hangga’t mayroong steady supply ng bakuna.

FDAAp23 1 1
FDA director general Eric Domingo

Ayon sa kay Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo, maaaring sa 4th quarter ng taon mula October hanggang December ay maisasama na rin sa vaccination drive ang mga menor de edad sa partikular na age group kung saan magiging prayoridad ang mga kabataang mayroong comorbidities.

Paliwang ni Domingo na kung hindi man mababakunahan lahat ng minors na nasa edad 12 hanggang 17, ikinokonsidera ng ahensiya ang pagkakaroon din ng prioritization ng pagbabakuna sa mga kabataan kung saan uunahin ang mga may comorbidities dahil sila ang nasa high risk na mahawa sa COVID-19.

Sa kabila nito, ayon kay Domingo nakasalalay aniya sa desisyon ng mga magulang ang pagbabakuna sa kanilang mga anak na pasok sa naturang age group.

Hinikayat din ni Domigo ang mga magulang para matulungan silang magkaroon ng impormasyon at makapagdesisyon, maaring aniyang bistahin ang mga website ng Pfizer at Moderna para sa product label ng mga bakuna.

Matatandaan na kahapon September 3 inanunsiyo ni Domingo na inaprubahan na ang emergency use ng bakunang Moderna para sa age group 12-17 years old at noong Agosto naman ng aprubahan ang emergency use ng Pfizer vaccine sa parehong age group