-- Advertisements --

Target ngayon ng Department of Labor and Employment (DOLE) na tapusin ang implementing rules and regulation (IRR) ng Expanded Maternity Leave Law sa loob ng 45 hanggang 60 days o dalawang buwan.

Ayon kay DOLE Sec. Silvestre Bello III, bagamat nabigyan sila ng 90 days para buuin ang IRR ng maternity leave benefits sa mga kababaihang manggagawa sa private at public sectors ay nais nilang tapusin ito ng mas maaga.

Dagdag ni Bello prayoridad ngayon ng DOLE ang IRR ng naturang batas para ma-facilitate ang implementasyon nito.

Puwede nang i-avail ng mga kababaihang manggagawa ang Expanded Maternity Leave, 15 days matapos mailathala sa pahayagang may general circulation ang IRR.

Ang Expanded Maternity Leave Act ay naisabatas matapos pirmahan ng Pangulong Rodrigo Duterte noong Pebrero 20, 2019.

Dahil dito mabibigyan na ng 105 days o tatlong buwang paid maternity leave ang mga female workers mula sa dating 60 days.

“We have 90 days to craft the IRR but we don’t intend to maximize it, instead we hope to come up with it in 45 to 60 days. This is one of our priority legislations that is why we are geared up in crafting the IRR to facilitate its implementation,” wika ni Bello.