Pinalawig pa ng hanggang anim na buwan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang suspensiyon sa pagpapawalang bisa ng kontrobersiyal na Visiting Forces Agreement (VFA).
Sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr., nagdesisyon ang pangulo na suspendihin ang termination imbes na i-renew.
Layon din nito ay para pag-aralan ng dalawang panig ang ilang aspeto ng kasunduan.
Ang hakbang ng pamahalaan ay inanunsiyo ni Locsin sa isang short video message matapos makipagpulong kay Duterte at Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez.
“The President conveyed to us his decision to extend the suspension of the abrogation of the Visiting Forces Agreement by another six months,” ani Locsin.
Magugunitang pinuna ng pangulo ang US dahil sa hindi pag-pressure sa China para umalis sa Scarborough Shoal noong nangyari ang standfoff sa Pilipinas, taong 2012.