Maituturing na pagtaksil sa bayan ang pagpayag ng pamahalaan na basta lamang isantabi ng China ang ruling ng arbitral ruling sa West Philippine Sea (WPS).
Ayon kay Bayan Muna party-list Rep. Carlos Isagani Zarate, pagtataksil ito sa soberenya ng Pilipinas kapalit ng isang mabigat na kasunduan katulad ng nangyari sa Joint Marine Seismic Undertaking (JMSU) sa ilalim ng Arroyo administration noong 2005 kung saan pinayagan ang China na makahanap ng sources ng langis sa West Philippine Sea.
Tuso aniya ang China noon pero mukhang mas tuso pa ito sa ngayon dahil binabalewala nito sa gobyerno ng Pilipinas ang tagumpay ng bansa laban sa Beijing sa Hague ruling.
“During Arroyo’s time China was able to discover the location of rich marine resources in the area because of information gathered through the JMSU which China did not share with the Philippines. We have always challenged the administration of then Pres. Gloria Arroyo to report to the people what it has gained from the JMSU, but it has failed to do so,” ani Zarate.
Matatandaan na nilinlang ng China ang Pilipinas sa pamamagitan ng mga maanomalyang kontrata na NBN ZTE deal kapalit ng pagpayag ng gobyerno sa joint exploration sa ating karagatan kung saan wala namang naging pakinabang dito ang bansa.
Kaya ang nangyayari sa kasalukuyan ayon kay Zarate ay tila “deja vu” lamang kung saan habang ginagawa ng Pilipinas ang lahat ng mga hakbang para sa mapayapang pagresolba sa issue sa WPS ay sinasamantala naman ito ng China sa kanilang sariling interes.