-- Advertisements --
Iloilo PCG rescue
PCG

ILOILO CITY– Muling sinuspende ng Philippine Coast Guard ang byahe ng ilang pump boat na may rutang Iloilo-Guimaras vice versa dahil sa violations.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Capt. Erlinda Benliro, station commander ng Philippine Coast Guard Iloilo, sinabi nito na kinansela ang pagbyahe ng RB Trans dahil sa hindi pagsuot ng life vest ng mga pasahero.

Ayon kay Benliro, kinansela ang Certificate of Public Convenience ng nasabing pump boat upang hindi muna makabyahe.

Inihayag ni Benliro na upang makaiwas sa ganitong sitwasyon, dapat na sundin ang mga alituntunin sa paglayag.

Kabilang na dito ang pagsuot ng mga pasahero ng life jacket at 75% capacity lamang ang pinahihintulutang makasakay sa pump boat.

Ang mga mabibigat na bagahe naman ayon kay Benliro ay dapat na ikarga sa RORO vessel.