-- Advertisements --

LAOAG CITY – Namomroblema umano ang gobyerno ng South Korea sa pagbabalik ng mga estudyante galing China sa gitna ng tumataas pa ring kaso ng coronavirus sa nasabing bansa.

Ito ang report ni Bombo International Correspondent Ogien Sacoco, tubong Dingras, Ilocos Norte pero kasalukuyang nagtatrabaho bilang English Teacher sa Seoul, South Korea.

Sinabi ni Sacoco na gusto sanang ipagbawal muna ng gobyerno ang pagbabalik ng mga estudyante galing China pero hindi pa nila alam kung paano sasabihin at ipapatupad na hindi masasaktan ang mga ito.

Sa ngayon, umaabot na sa mahigit 600 ang apektado ng virus sa South Korea kung saan anim na ang patay.