-- Advertisements --
itbayat batanes church
Itbayat

DAGUPAN CITY – Posibleng matagalan pa ang pananatili ng mga evacuees matapos ang magkasunod na lindol sa Itbayat, Batanes.

Sa exclusive interview ng Bombo Radyo Dagupan, inihayag ni Batanes Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office head Roldan Esdicul, na hindi pa ligtas na pabalikin ngayon ang nasa 911 pamilya o katumbas ng 2,963 na kataong inilikas dahil sa magkasunod na pagyanig dahil patuloy ang parin ang nararanasang mga aftershocks.

Bukod dito, marami din aniyang kabahayan ng mga nagsilikas ang napinsala bukod sa mga paaralan, simbahan at iba pang mga gusali.

Dagdag pa ni Esdicul, puspusan ngayon ang ginagawa nilang pagsisikap upang maibigay ang lahat ng pangangailangan ng mga labis na naapektuhan ng lindol sa isla ng Itbayat.

Samantala, nilinaw naman ng opisyal, na sa kanilang tala ay nananatiling walo ang casualty at isa ang missing taliwas sa lumalabas na siyam na ang nasawi.

Aniya, karamihan sa mga nasawi ay natabunan mismo ng kanilang bahay ng lumindol.