-- Advertisements --
KALIBO, Aklan — Kumpiyansa si Department of Tourism (DoT) Secretary Bernadette Romulo-Puyat na makakabawi na ang industriya ng turismo sa Isla ng Boracay o ang tinatawag na “revenge tourism.”
Ayon kay Puyat, isa ang isla sa mga highly recommended tourist destinations sa Pilipinas.
Ipinaliwanag ng kalihim na ang “revenge tourism” ay tumutukoy sa mga turistang gustong magbakasyon pagkatapos ng mga naranasang lockdown dala ng COVID-19 pandemic.
Sa kabilang daku, sinabi naman ni Aklan Governor Florencio Miraflores kasado na ang kanilang tracing QR code system, kung saan automatically computer-generated na ito para sa mga turistang kompletong nakapagpakita ng mga kinakailangang dokumento.